Paano Bumili ng PDAX Vouchers sa Shopee Philippines

Translated by Arzen Ong from How to Buy PDAX Vouchers at Shopee Philippines published on Oct. 11, 2021.

Ngayong simula ng Christmas season, nag anunsyo ang Philippine Digital Assets Exchange (PDAX) na ang kanilang PDAX Vouchers ay maaari ng mabili sa Shopee, ang nangungunang online shopping site sa bansa, hanggang Disyembre 21, 2021.

Sa susunod na 2 buwan bago ang kapaskuhan, ang PDAX, bilang nangungunang lokal na cryptocurrency exchange na mayroong backup support, ay maglalabas ng PDAX Vouchers na maaaring ipangregalo bilang ‘special gift’ sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, o kakilala.

Ayon sa anunsyo ng PDAX, tanging mga verified PDAX users lamang ang maaaring makapag redeem ng voucher. Kaya naman para sa mga mayroon ng PDAX account, makabubuting siguraduhin na verified na ang inyong mga account. Para naman sa mga nasa proseso palang ng pag-verify ng kanilang PDAX account, tandaan na dapat ma-verify ang inyong account sa loob ng redemption period. At para sa mga bagong PDAX users, siguraduhin na ang inyong account ay verified muna bago kayo bumili ng voucher.

Ang mga voucher na binili ay dapat ma-redeem sa loob ng pitong (7) business days matapos itong mabili mula sa Shopee. 

Ayon na rin sa promo mechanics na nilabas ng PDAX, narito ang redemption process:

  1. Mag log in sa PDAX.
  2. I-click ang Account Icon.
  3. Piliin ang ‘Rewards’.
  4. I-click ang ‘Redeem Your Code’.
  5. Ilagay ang Voucher Code at i-click ang ‘Next’.
  6. Ilagay ang iyong Shopee Order Number.
  7. Maghintay ng email notification na magkukumpirma ng matagumpay na redemption.

Dagdag pa dito, may dalawang paraan ng pagbili ng PDAX Vouchers sa Shopee – Maari kang bumili sa PDAX PH Shopping Mall, o maari ka ding pumunta sa ‘Deals near me’ at i-type ang ‘PDAX PH’.

Dinisenyo ang PDAX Vouchers bilang magandang pamaskong regalo dahil madali itong ma i-transfer mula sa mga PDAX verified accounts.

Ang inyong Voucher Redemption Request ay maaaring maproseso mula Lunes hanggang Biyernes 

Ang halaga ng cryptocurrency na inyong maaaring ma-redeem ay nakadepende sa presyo nito sa merkado pagkatapos ng cut off period, bandang alas tres ng hapon (3:00 PM) kinabukasan – pasok dito ang mga voucher request na natatanggap sa pagitan ng 12:00 AM hangang 11:59 PM (PHT) at mga vouchers na natanggap ng weekends o tuwing holidays.  

Pinapaalala ng PDAX na ang kanilang mga voucher codes ay isang bese lamang maaaring gamitin. Lahat ng balanse na hindi pa na-redeem ay hindi na maitatago. Dagdag pa dito, hindi na maaaring i-refund ang voucher kapag ito ay nabili na sa Shopee.

Maaari kang bumili sa kanila ng mga cryptocurrencies gaya ng Bitcoin, Ethereum, Ripple, Litecoin, Tether, Bitcoin Cash, USD Coin, at mga bagong cryptocurrencies gaya ng Chainlink, Enjin, Basic Attention Token, Graph, Compound, Aave at Uniswap.

Noong nakaraang Hulyo, nakapagtala ng 450,000 na users ang PDAX.

“Parte ng misyon ng PDAX ang pagbutihin ang paraan ng ating pag-access sa mga investment products at financial services na bunga ng blockchain technology. Makakaasa ang lahat na ipagpapatuloy ng PDAX ang paglabas ng mga bagong produkto at serbisyo na makakatulong sa mga Pilipino na makapag invest at trade,” saad ni Nichel Gaba, ang Chief Executive Officer at founder ng PDAX. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa promo mechanics ng PDAX Voucher sa Shopee, magpunta lamang sa https://support.pdax.ph/s/article/Promo-Mechanics-PDAX-Shopee-Vouchers.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Paano Bumili ng PDAX Vouchers sa Shopee Philippines

The post Paano Bumili ng PDAX Vouchers sa Shopee Philippines appeared first on BitPinas.